Saturday, March 8, 2008

SINDAK!


Baka...malapit lapit na pong lumabas ang sindak magazine na binuo at kinonsepto ni Ginoong KARLO CESAR CORDERO. Sana ay matuloy na po ito...Go signal na lang po kasi ang hinihintay ng patnugot na si Mr. KC mula sa mas nakatataas sa kanya, upang mailabas na ang nasabing lathalain. Kinapapalooban po ito ng magagaling, mahuhusay na anak at alagad ng sining. Katulad po ng batikang manunulat sa komiks, telebisiyon at sa mundo ng pelikula na si Mr. JOSE MARI LEE. Mga de-kalibreng dibuhista at manunulat sa komiks pang-international na sina GERRY ALANGUILAN. At ang ma-alamat (kahit humihinga pa) na si papa RANDY VALIENTE.Nakibahagi din po ng dibuho ang anak ni Nestor Malgapo na si NOVO MALGAPO. May panayam din po kina Budjette Tan at Ka-Jo Baldisimo na gumawa ng komiks na TRESE. At may maliit na partisipasyon din po ang inyong lingkod. Hehehe. Sana po ay abangan ninyo at suportahan kami sa labas na ito.

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!ABANGAN... malapit na...